Mga
Benepisyo ng Kompyuter

Dahil nasa makabagong panahon na tayo, ordinaryong tanawin na
lamang ang mga gadgets tulad ng cellphone, Tablet at Ipad. Hindi lang naman
kasi sa pakikipag-chat o pakikipaghuntahan ang layunin nito kundi ang
makapag-research din. Kailangang-kailangan ito ng mag-aaral dahil sa
pamamagitan nito ay marami silang matututunan. Sa isang click lamang ay
malalaman mo na agad ang sagot sa iyong katanungan.
Walang problema sa mga
matatanda o iyong mayroon ng trabaho. Kahit anong unit ang kanilang gustuhin ay
makukuha nila basta can afford lamang nila. Ngunit, ang mga kabataan ay
kailangan pang humingi ng pera sa kanilang magulang para lamang may pang-load sila.
Kaya, bakit kaya hindi na laman natin lagyan ng computer ang mga pampublikong
paaralan para maging madali sa kanila na hanapin ang sagot sa kanilang
katanungan.
Kunsabagay, madali lang
naman gawin iyon kung magre-research ka ng husto. Pero, bakit gugustuhin mo pa
na magpakapagod na isa-isahin ang bawat libro hanggang makuha mo ang kasagutan
na iyong hinahanap?
Wala mang gaanong
tuition na binabayaran ang mga estudyante sa pampublikong paaralan, naniniwala
pa rin ako na may budget ang Pamahalaan para matulungan ang mga estudyante para
mapadali ang kanilang pag-aaral. Ito rin siyempre ang paraan para mas maging
matalino ang mga estudyante. Bukod doon ay magiging masipag pa sila sa kanilang
pag-aaral.
Alam naman natin na
kinababaliwan ng mga estudyante ang mga gadgets at madalas din ang mga
estudyante ay hindi nakikinig sa kanilang guro kung napapansin nila na
masyadong boring ang subject. Samantalang kung magkakaroon ng gadgets ang bawat
paaralan magkakaroon ng interes ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Para sa mga mag-aaral ay
napaka-boring ng science ngunit kung mayroong gadgets ang mga estudyante at
nagagawa iyong ipakita sa kanila ng kanilang guro o prof. Siguradong kahit
gaano ka-boring ang subject na iyon ay magkakainteres silang mag-aral. At siyempre
bukod doon, dapat lamang na maging interesting ang topic para habang
nagre-research. Maigi rin kung makukuha ng guro ang atensyon ng kanyang mga
estudyante.
Para maging interesting
ang pag-aaral ng mga estudyante, kailangan naman ay nasa harapan nila ang bagay
na makapagbibigay ng interes sa kanila. Sa panahon nga ngayon, ordinaryo na
lamang ang gadgets sa ating mata, mayaman ka man o mahirap siguradong may hawak
ka ng cellphone. Kaya kung walang pambili ng gadgets para sa mag-aaral, maaari
naman sigurong bumili ng wifi ang eskuwelahan. Sa pamamagitan noon ay
makakapag-research na ang mga estudyante. Iyon nga lamang, kailangan naman ay
may kinalaman sa pag-aaral nila ang dahilan kung bakit kailangan nilang
mag-search. At dahil ditto ang
isa pang naidudulot nito ay, Umuunlad na nga ang ating
panahon ngayon. Marami na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone,
MP3, Mp4, ipod at higit sa lahat kompyuter. Para sa karamihan, ang kompyuter ay
isang napakahalagang imbensyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero
hindi alam ng lahat, bukod sa mga mabuting epekto nito, mayroon din itong
masamang epekto.
Unahin na natin ang mabuting epekto. Ang kompyuter ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang, kapag tayo ay mayroong mga projects o kaya ay takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapan maghanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso.
Sunod naman ay ang mga masamang epekto ng kompyuter. Una na diyan ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter. Naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games tulad ng DOTA. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati na rin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit ang kanilang ulo o kaya'y pagkahilo.
Lubusan na ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon. Pero lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang maidudulot nito. Maari din itong makasama sa atin. Kaya payong kapatid lang, hinay hinay lang sa paggamit at wag nating abusuhin ang mga teknolohiyang ito.
Unahin na natin ang mabuting epekto. Ang kompyuter ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang, kapag tayo ay mayroong mga projects o kaya ay takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapan maghanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso.
Sunod naman ay ang mga masamang epekto ng kompyuter. Una na diyan ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter. Naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games tulad ng DOTA. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati na rin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit ang kanilang ulo o kaya'y pagkahilo.
Lubusan na ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon. Pero lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang maidudulot nito. Maari din itong makasama sa atin. Kaya payong kapatid lang, hinay hinay lang sa paggamit at wag nating abusuhin ang mga teknolohiyang ito.

1. EPEKTO
NG KOMPYUTER SA MGA ESTUDYANTE FILIPINO 2 Alynna Vince A. Lazarte Ailene
Petrona Aquino MRS. LORMA LORENZANA UGAYRASYUNAL:Isa sa mga patok na gamit sa
teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na
sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng
internet. Kung may internet connection maaring makagawa ang isangindibidwal ng
account sa anomang social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga
serbisyong web-based na nagbibigay samga indibidwal para bumuo ng isang
pangpublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay
nakukuha nangayong sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga
estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon.PowerPoint
Presentation:Ang kompyuter din ay mayroong mga microsoft word, powerpoint,
excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mga researchwork, reports,
sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi ang paggawa ng mga sulatin kapag
kompyuter ang ginagamit.Angkompyuter din ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga
video games. Ito’y patok na patok lalo na sa mga kabataan. Nadodownload na
kasiang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming kabataan ang
nahihihkayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rinang paggamit ng
kompyuter. May mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya
madalas ay puro laro na lamang sila atnakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba
din naman ay masyado naring dumedependeLAYUNIN NG PAG-AARAL:Ang isinasagawang
pag-aaral ay naghahangad na : Malaman kung hanggang saan ang kaalaman ng mga
mag-aaral at magulang sa mganaidudulot ng computer. Malaman ang pananaw ng mga
mag-aaral sa kasalukuyang umiiral na problema tungkol sa panloloko gamit
angsocial networks. Malalaman ang mga masama at mabuting epektong computer sa
mga mag-aaral . 4. Malalaman ang mga dapat gawin upangang nakikitang mga
problema ay gamitin upang mas mapaunlad ang pag-aaral .METODOLOHIYA:Ang isinagawang
pag-aaral ay gumamit ng Palarawang uri (descriptive ) ng pananaliksik ,
sapagkat sumasaklaw ito sa kasalukuyangkalagayan ng lga mag-aaral tungkol sa
paggamit ng kompyuter . Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagrereview at
pagsusuri sa mganauna nang pag-aaral ng mga eksperto . Ginagamitan ito ng
interbyu , interpretasyon at obserbasyon upang matiyak ang katiyakan
atkatumpakan ng mga nakalap na datos . Isinama sa pag-aaral ang ilang mga
magulang at batang kakilala / kapitbahay na madalasgumagamit ng kompyuter ,
sila ay nasa edad na sampu pataas na taga Sulvec , Narvacan , Ilocos
Sur.OUTPUT:Matapos ang masusing pag - aanalisa atp ag- uugnay nito sa pag -
aaaral na isinagawa ng ilang eksperto , ang mga sumusunod angnaging konklusyon
: Sa panahon ngayon , marami talagang mga mag - aaral ang nahuhumaling sa
kompyuter kahit na alam nila ang mgahindi kabutihang naidudulot nito . Ilan
naman sa mga magulang ang nagbibigay ng masamang interpretasyon sa kasamaan na
naidudulotng mga kompyuter . Naisassaisang tabi ang kakayahan at kapangyarihan
ng teknolohiya upang mapaunlad ang buhay ng tao dahil sa lgaganitong nosyon
.PowerPoint Presentation:Ang kolehiyo at hayskul ang kritikal na panahon kung
saan mas marami ang nauugnay sa kompyuter . Kung pagsasamahin , malaki angpera
na nauubos ng kabuuang bilang ng respondent sa kompyuter games at sa iba pa sa
loob ng isang lingo. Bagamat ang ilan sakanila ay mayroon nang sariling
kompyuter sa bahay , gumugugol parin sila ng pera upang magrenta ng kompyuter
sa mga kompyutershops.PowerPoint Presentation:Ang paglalaro ng mga Computer
Games, social networking at sa internet surfing ay hindi nangangahulugan na
pagbubulakbol opagpapabaya sa pag-aaral . Base sa mga sagot ng mga respeondente
, mayorya sa kanila ang may magaganda o katamtamang marka sa mgapaaralan .
Positibo pa rin ang pananaw ng pga respondent sa kakayahan ng teknolohiya na
linanginang mga kakayahan at kasanayan samga mahihirap na larangan ng akademiko
.REKOMENDASYON:Batay sa mga nabanggit , ang mga sulusunod ang iminingkahi :
Para sa mga magulang , maglaan ng oras para sa inyong mga anak dahilmay mga
kabataan na naglalaro upang makalimot sa problema sa kanilang magulang .
Halimbawa , ang pangangamusta sa kanilang pag -aaral , kung sila ba ay may
magandang grado o medyo nahihirapan , at sa pagtatanong kung mayroon silang mga
problema , marahilbaka hindi niyo alam na kayo pala ang problema ng inyong mga
anak . Pag- usapan ninyo ng anak ang nilalaman ng laro . Ibigay angiyoong
pananaw tungkol sa mga isyu na maaaring mabuo . Kailangang mauna muna ang mga
takdang-aralin , mga gawaing pang akademikoat mga trabaho sa bahay bago ang
paglalaro . Huwag hayaan ang Cyber World na pumalit sa mga gawaing social at
pisikal .PowerPoint Presentation:Para naman sa mga kabataaan , alam natin ang
kasabihang “Time is Gold”. Matuto tayo na gamitin ang wasto an gating mga oras
.Kaysa sa pag-uubos ng oras sa paglalaro ng iba’t-ibang kompyuter games,
internet surfing, social networking, may mga bagay - bagayna lubos na
makakadulot sa atin ng kabutihan kung paglalaanan natin ito ng oras . Ilan sa
mga ito ay pag-aaral ng inyong mgaleksyon , pagbabasa ng mga mabubuting
babasahin , at pagsasagot ng inyong mga takdang aralin . Ang mga ito ay
napatunayangnagpapahasa ng dunong o talinong maaari nating gamitin ngayon at
kinabukasan .PowerPoint Presentation:Sinasabi na isa sa malaking salik kung
bakit nahuhumaling ang mga kabataan na maglaro ng mga kompyuter games ,
internet surfing atsocial networking ay dahil sa impluwensya ng kanilang mga
kkaibigan o mga kabarkada . Ibat iba ang uri ng mga kaibigan , ilan salga ito
ay idadala ka sa kabutihan o sa madaling sabi , mga “Good Influence” na
kaibigan , samantala ang iba naman ay isasama kasa mga di-kabutihang bagay o
yung mga “Bad Influence” nakaibigan . Matutong umiwas sa mga masasamang
halimbawa . Kungkinakailangan ay lumayo sa kanila at humanap ng ibang
mabubuting kaibiganPowerPoint Presentation:Magkaroon ng iba pang
mapagkakaabalahan kaysa sa paglalaro ng kompyuter . Maaaring lumahok sa ibat
ibang organisasyon sa inyongkomunikasyon na kakayahan , at nagpapatatag ng
inyong kakayahang mamahala . Mahirap ang panahin natin ngayon . Maraming mga
taoang hindi na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw , kung kayat matuto
tayong magtipid . May kasabihan nga tayong mgaPilipino, “ Lahat ng labis ay
nakakasama ”. Samakatuwid , ang madalas na paglalaro ng kompyuter games ay
nakakasama rin . Matutongpaglaanan ng pera , ang mas importanteng bagay tulad
na lamang ng pagbili ng makakain . Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang
makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa
mgateknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay
isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon omga operasyon na
maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay
nakapaghahatid ng aliw,nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay
ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Mayroong aspeto angkompyuter
na tinatawag na software. Ito ay ang mga programang ginawa para mapagalaw ang
kompyuter. Isang halimbawa ay angAccounting software. Ito ay may tungkulin na
magtala at magproseso ng mga transaksyon sa accounting. Ito’y gumaganap bilang
isangaccounting information system na nagoorganisa at nagpapadali ng gawain ng
isang accountant. Ninanais ng mga mananaliksik na mapag-aralan ang epekto na
dulot ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa loob ng UST-AMV-CoA partikular
na sa mga mag-aaral ng ika-4 naantas taong 2008-2009.Kahalagahan/Kabuluhan
(importance)Ang kahalagahan ng pag-aaral ng ito ay upang mapagibayo pa ang
pag-gamit ng kompyuter. Sa pag-alam ng mga mabuting epekto, masmakikinabang ng
malaki ang gagamit ng kompyuter . Maari ding malaman ang solusyon at
karampatang kaalaman ng mga negatibongepekto.Layunin (aim)Ang layunin ng
pananaliksik na ito ay matukoy at maipakita kung anu-ano ang mga nakakatulong
at mga hadlang sa paggamit ngkompyuter para sa kursong accounting. Hangad din
nitong makahanap ng impormasyon ukol sa kalamangan ng mga computer literate salarangan
ng accounting. Nais ng mga mananaliksik na magkaroon ng sapat na pag-unawa ang
mga estudyante sa paggamit ng kompyuter atang aplikasyon nito sa kanilang
magiging propesyon na accounting.1. Ano ang tungkulin ng mga accountant?2.
Gamit ang kompyuter, paano mapapaunlad ng mga accountant ang kanilang trabaho?